NANGAKO ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na pag-aaralan nitong mabuti ang hirit ng mga transport group na P2 dagdag na pasahe dahil sa walang humpay na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.
Bagamat kinikilala ng LTFRB ang karapatan ng mga tsuper at operator na humingi ng dagdag singil, sinabi ni LTFRB chair Teofilo Guadiz III na dapat ikonsidera ang ibang factors bago payagan ang hirit na dagdag na singil sa pamasahe.
“Many factors should have to be carefully studied, reviewed and validated by the Board before we can allow any fare hikes. We understand the urgency of the situation,” pahayag ni Guadiz.
Nitong nakaraang linggo, humirit ang iba’t ibang transport group ang naghain ng kanilang petisyon para sa dagdag pasahe.