HIMAS-REHAS ang 26-anyos na lalaki na itinuturong nangmolestiya umano sa isang mag-aaral sa Las Piñas nitong Sabado.
Ayon sa pulisya, siyam na iba pang biktima ang lumutang sa presinto upang sampahan ng kaso ang suspek.
Sa ulat, naglalakad ang 25-taong-gulang na biktima malapit sa BF Resort Village nang lapitan at lamasin ang kanyang dibdib ng suspek bago tumakas sakay ng tricycle.
Nasakote sa follow-up operation ang suspek. Nakuha sa kanya ang isang hindi-lisensyadong baril.
Positibong kinilala ng biktima ang suspek, na ikalawang beses na umano siyang minolestya. Naganap ang unang pangha-harass nito noong Huwebes.
Napag-alaman na modus ng suspek ay magtatanong ng oras saka manghihipo bago tumakbo.
Hipo king’ ng Las Piñas, timbog
