Hindi po ako galit!

ITO ang iginiit ng Kapuso actor na si Alden Richards na nag-trending matapos siyang mag-host sa Miss Universe Philippines 2024 coronation night nitong Miyerkules.

Ayon kay Alden, nilakasan niya ang kanyang boses para tapatan ang energy ng mga kandidata at ng audience sa MOA Arena.

Dagdag ni Alden, natutuwa siya sa mga naglabasang memes sa pasigaw niyang pagbanggit sa mga kandidata na nakapasok sa semifinals at top 10.

Hindi rin aniya siya napikon sa pa-shoutout sa kanya ni Vice Ganda sa “EXpecially for You” segment ng “It’s Showtime” noong May 23.

Sa nasabing segment, ginaya ni Vice ang pagho-host ni Alden.

“Parang si Alden kagabi sa MUPH, Quezon Province! Baguio! Bulacan!”chika ni Vice.

“Hi, Alden!” dagdag ng Unkabogable Star.