‘Hello, Love, Goodbye’ sequel hindi pa sure

UMAASA si Kapuso actor Alden Richards na magkakaroon ng sequel ang box office hit na “Hello, Love, Goodbye.”

“Iyan ang hindi pa sure,” ani Richards sa isang panayam nitong Linggo. “We are hoping for the best.”

Ang “Hello, Love, Goodbye” ang ikalawang highest-grossing Philippine film of all time.

Maging ang kapareha niya sa pelikula na si Kathryn ay hindi rin makumpirma kung tuloy ang reunion movie nila ni Alden.

“Wala pa sinasabi,” sey ni Kath.

Sa nasabi ring panayam, ngiti lang ang isinagot ni Alden nang tanungin kung nililigawan niya si Kath.