Site icon Pinoy Publiko

Helicopter iniulat na nag-crash sa Palawan

CRASH. Panibagong insidente ng crash ang iniulat ng PCG. Isang helicopter ang bumagsak sa Palawan ngayong Miyerkules, Marso 1, 2023. (Photo courtesy of PCG)

SINABI ng Philippine Coast Guard (PCG) na rumesponde ang District BRP MALABRIGO (MRRV-4402) matapos ang panibagong insidente ng helicopter crash sa bisinidad ng karagatan sa pagitan ng Brooke’s Point at Balabac sa Palawan ngayong Miyerkules.

Ayon sa PCG, nakipag-ugnayan ang Philippine Aeronautical Rescue Coordinating Center (PARCC) sa Coast Guard kaugnay ng nawawalang helicopter na may sakay na apat na indibidwal kabilang ang piloto, isang pasyente at dalawang kaanak nito.

Base sa imbestigasyon, sinundo ang pasyente sa Mangsee Island alas-9 ng umaga nang mawala ang kontak dito alas-12:10 ng hapon habang patungong Brooke’s Point.

Nagsasagawa na ang PCG ng isang search at rescue (SAR) operation sa lugar.

Exit mobile version