MARAMING umaasa na babaguhin ng bagong hirang na kalihim ng Department of Agriculture ang pagiging bias ng maraming opisyal sa gobyerno sa importasyon ng iba’t ibang poduktong agrikultura, partikular na ang bigas.
Naniniwala ang iba’t ibang grupo mula sa mga magsasaka, mangingisda at mga agricultural entrepreneurs at traders na iiwas ang fishing magnate na si Francisco Tiu Laurel Jr. sa nakakagawian ng marami sa gobyerno na umaasa sa mass importation.
Hinamon din si Laurel ng mga grupo, partikular na ang Federation of Free Farmers, na sisimulan nito ang reporma sa kagawaran na magbibigay ng dagdag proteksyon sa mga maliliit na magsasaka at mangingisda.
“(He) could work on reversing the pro-import bias of some DA officials and the economic managers,” ayon sa kay Raul Montemayor ng FFF.
Dapat din anyang makinig ng kalihim sa concern ng mga maliliit na magsasaka at “disadvantaged members” ng sektor.
“We hope that he will have directions based on reality, i.e. the experiences of farmers and fisherfolk, and not on the false narrative of economists that the sector is protected,” sabi naman ni Elias Jose Inciong, pangulo ng United Broiler Raisers Association.