PUNURI ng publiko ang guro mula sa Misamis Occidental na binigyan ng tsinelas ang mga estudyante niyang nag-aaral sa bundok.
Bukod sa pagkain, pinabaunan din ng teacher na si Jeric Maribad ng pagkain at inumin ang mga mag-aaral
“First time makasuot ng Islander ang mga bata,” aniya sa Facebook post.
Sinabi ni Maribad na karamihan sa pupils ay sirang tsinelas ang suot kapag pumapasok sa eskwela.
“Hindi hadlang ng mga estudyante ang mga sira-sira nilang tsinelas sa pagkamit ng kanilang mga pangarap. Pupunta sa school kahit sira ang tsinelas kaya malaking blessing sa mga bata ang mga munting regalo from God,” aniya.
“Ang tsinelas ay simbolo ng ating pagsisikap dahil magsisilbi itong proteksiyon sa paglakad patungo sa ating tagumpay. Salamat sa Diyos,” dagdag niya.
Pagsaludo sa guro ng ilang netizens:
“Padayon sa pagtabang sir, touch lives of 1 children at a time!”
“Amazing for you to do those act of kindness to the students!! Saludo po ako sa inyo!”
“Wow, kabait niyo po sir! Have a nice po sir! Bring back memories kaayo, kabataan days!”
“Mao ni maestro nga grabe ka bootan bahalag way sahod sa facebook naningkamot siya as his own na maka tabang sa mga estudante nila.”
“Ito dapat ang binibigyan ng 1m hindi si diwata.”