Grade 12 todas sa rabies

HINDI na umabot sa kanyang graduation ang Grade 12 student mula sa Dina, Zamboanga del Sur makaraan itong masawi dahil sa kagat ng alagang aso.

Ayon sa ulat, itinakbo sa ospital ang biktima na nakilala lamang bilang Genesis nang maglabasan ang sintomas ng rabies.

Hindi naman naisalba ng mga manggagamot ang buhay ng biktima dahil kumalat na umano ang lason sa katawan nito.

Napag-alaman na nakagat si Genesis ng alagang aso pero itinago niya ang pangyayari sa mga magulang.

Ngayong araw ng Huwebes nakatakda ang graduation ng binata.