MATAPOS mag-viral ang surot, daga naman na palibot-libot sa Ninoy Aquino International Airport ang nga-trending na siyang dahilan para ma-bash nang umaatikabo ang pamunuan ng Manila International Airport Authority na nangangasiwa sa paliparan.
Dahil dito nanawagan si Senador Grace Poe sa pamunuan na tiyakin na palaging nagsasagawa ng disinfection at matinding paglilinis upang matiyak na hindi magkakaron ng infestation sa mga terminal.
Sinabi ni Poe na ang nakitang surot at daga sa NAIA Terminal 3 ay nangyayari rin sa ibang bansa, at isyung kinakaharap ng maraming paliparan.
“That’s an issue [in] other countries as well. In France, train stations and some hotel rooms are affected. There is an increasing infestation problem,” sabi ni Poe, na chairperson ng Senate committee on public services.
Gayunman, ang insidenteng nangyari sa Terminal 3 ay hindi dapat anya pabayaan.
Ayon sa senador, kailangang makagawian ang regular na pag-check at pag-disinfect at matinding paglilinis sa mga airport.
“Cleaning and disinfecting should be a standard operating procedure, not just during a virus outbreak or infestation,” punto pa ni Poe.