NGAYON na hindi na sasali sa susunod na halalan si Senador Grace Poe, may paalala naman siya sa kanyang anak na si Brian Llamanzares na first nominee ng partylist group na FPJ Panday Bayanihan na pagbutihan ang kanyang magiging trabaho sakaling mahalal.
Tila may babala rin si Poe sa anak, na ayon sa senador ay naging paalala rin sa kanya ng kanyang yumaong ina at aktres na si Susan Roces na “huwag ipapahiya ang pamilya.”
“Sabi ko sa anak ko, gaya ng sinabi ng nanay ko sa ‘kin, ‘pagbutihan mo at ‘wag mo kaming papahiyain,’” ayon kay Poe bilang tugon sa ginawang paghahain ni Brian ng kanyang certificate of nomination bilang first nomienee ng FPJ Panday Bayanihan noong isang linggo.
Naniniwala naman si Poe sa kapasidat at abilidad ng kanyang anak para maupo bilang representante ng grupo.
“Ako naman ay kumpyansa. Ang mahirap kasi kapag… walang kakayanan because what makes it difficult is when… you don’t have the abilities for it,” dagdag pa ng senador na ngayon ay nasa kanyang ikatlo at huling termino.
Anya itutuloy niya ang mga inumpisahan ng ina gaya ng mga isyu na may kinalaman sa public services gaya ng pagsusulong ng Department of Water Management bill, motor–taxi bill at ang kasalukuyang Public Transport Modernization Program.
“Itong mga bagay na ito, kailangang ituloy at tapusin,” dagdag pa niya.