Gov’t workers tatanggap ng mid-year bonus simula sa Mayo 15

GOOD news sa mga kwalipikadong government workers dahil simula sa Mayo 15 ay tatanggap na sila ng mid-year bonus, ayon sa Department of Budget and Management (DBM) ngayong Martes.

“I am pleased to announce that our civil servants will receive their mid-year bonus this year. We know that this is eagerly awaited by our fellow government employees and will significantly assist them in meeting their daily needs,” ayon sa pahayag ni Budget Secretary Amenah Pangandaman.

Katumbas ng isang buwan na sweldo ang matatanggap ng mga kwalipikadong manggagawa na nagtrabaho ng hindi bababa sa apat na buwan mula Hulyo 1 noong nakaraang tao hanggang Mayo 15, 2024.

Nanawagan naman si Pangandaman sa lahat ng ahensya ng pamahalaan na mabilis na maipagkakaloob ang mga bonus sa kanilang mga empleyado.

Ang mid-year bonus ay ibinibigay sa lahat ng civilian personnel — regular, casual at maging contractual.

Sakop din nito ang mga uniformed personnel at mga appointive or elective positions sa Executive, Legislative, and Judicial branches of government, Constitutional Commissions, other Constitutional Offices, State Universities and Colleges, and Government-Owned or -Controlled Corporations covered by the Compensation and Position Classification System, at maging local government units.