INIHAYAG ni Education Secretary Sonny Angara na ilalabas ngayong buwan ang 2024 salary differential ng mga pampublikong guro.
Ang salary increase ng mga public school teachers ay nakapaloob sa Executive Order No. 64 ni Pangulong Bongbong Marcos.
“He announced that the 2024 salary differential, as mandated by Executive Order (EO) 64 of President Ferdinand Marcos Jr., will be released this September, with salary increases effective from 2024 to 2027,” ayon sa DepEd.
Retroactive ang nasabing salary differential mula Enero hanggang Agosto.
“Our teachers are the foundation of our nation. No progress is possible without them,” pahayag ni Angara kasabay ang anunsyo.