Gold masusungkit ng 2 utol ni Carlos Yulo sa 20208 Olympics — pyschic

KUNG paniniwalaan ang hula ng “psychic reader and dream translator” na si Rudy Baldwin, mananalo ng mga gold medal sa Los Angeles Olympics sa 2028 ang dalawang kapatid na gymnast ni Carlos Yulo.

Sa Facebook post, ibinandera ni Baldwin ang mga larawan nina Elaiza at Eldrew Yulo na nakikita umano niyang magiging matagumpay sa susunod na Olympics gaya ng kuya nila na nakasungkit ng dalawang gold medal.

“Gold medals for the next Olympics. Keep believe in God and have faith on Him. Believe in yourself that you can do it and you can have it .Stay humble and don’t forget to love your family always. Go for golds,” ani Baldwin.