SINABI ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas na gagastos ang gobyerno ng P5 bilyon para sa isinusulong na constitutional convention (con-con) ng Kamara na siyang magbibigay daan para amyendahan ang Saligang Batas.
Ito ay matapos pormal nang pagbotohan at ipasa sa komite ang panukalang pagsasagawa ng Con-con upang amyendahan ang 1987 Constitution.
“Nakasaad na P10,000 ang ibibgay sa kada araw na lalahok ang delegado ng ConCon. Halos minimum wage na ito ng isang manggagawa sa isang buong buwan. Sa suma total, magkano ang gagastusin dito? May P10k per diem na ibibigay habang walang pondo sa mga mamamayang nanawagan ng ayuda para sa buong pamilya nila sa gitna ng mataas na presyo at krisis,” sabi ni Brosas.
Iginiit pa ni Brosas na hindi solusyon ang pag-aamyenda sa Saligang Batas para masolusyunan ang problema sa ekonomiya ng bansa. “We are firm in our belief that amending or revising the Constitution will not directly address the urgent economic concerns of Filipino women and people. Kung may kailngangang baguhin ngayon, hindi ang Konstitusyon kundi ang mga batas at patakaran na taliwas sa nationalist aspirations at demokratikong diwa ng 1987 Constitution,” ayon pa sa mambabatas.