DEAD on arrival sa pagamutan ang ginang makaraang malaglag sa sinasakyang tricycle sa Quezon City kamakailan.
Kinilala ang nasawi na si Josephine Iringan, 57, ng Brgy. Apolonio Samson. Nagtamo ng pinsalansa sa ulo at katawan ang biktima.
Dinakip ng mga elemento ng Quezon City Police District-District Traffic Enforcement Unit (QCPD-DTEU) Traffic Sector 1 ang tricycle driver na si Candido Evangelista, 66, ng Brgy. Damayan, QC.
Ayon sa ulat, binabagtas ni Evangelista ang Kaingin Road alas-3:30 ng hapon nang biglang mahulog ang pasahero niyang si Iringan.
Humampas ang ulo ng biktima sa kalsada at nawalan ito ng malay.
Agad namang nadala sa kalapit na Quezon City General Hospital ang biktima pero hindi na naisalba ng mga doktor ang buhay nito.
Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide ang tricycle driver.