Ginang hinataw ng pala ng anak, todas

BASAG ang bungo ng isang ginang nang paluin ng pala ng anak na may sakit sa pag-iisip sa Sariaya, Quezon nitong Biyernes ng gabi.

Wala nang buhay nang idating sa pagamutan si

Mercy Million, 49, dahil sa pinsala na tinamo.

Agad namang nadakip ang 27-anyos na suspek na, ayon sa mga kaanak, ay mayroong dipirensya sa pag-iisip.

Ayon sa ulat, natutulog ang ginang pasado alas-10 ng gabi nang lapitan ng anak ay paghahampasin ng pala sa ulo.

Hindi na nagising ang ginang.

Sasampahan ng reklamong parricide ang suspek.