TINALAKAN ni Senador Imee Marcos ang mga kongresista na diumano’y atat na atat na magsampa ng impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.
Sa kanyang post sa Facebook, binalaan ni Marcos ang mga miyembro ng Kamara na “gigil na gigil” makapaghain ng kaso kay Duterte na nakapagatala ng pinakamalaking boto sa kasaysayan ng bansa.
Ayon kay Marcos isang paglalaro sa demokrasya ang gagawing pagsasampa ng impeachment kay Duterte dahil sa 32 milyong botong nakuha nito noong 2022 elections.
“Naghahamon ba kayo ng 32 milyon?” banat ng senador.
“O naghahanap kayo ng gulo para hatiin ang bayan — na may napakaraming problema sa kasalukuyan.”