Gigi de Lana nagluluksa sa pagpanaw ng ina

KINUMPIRMA ng singer na si Gigi de Lana na namayapa na ang kanyang ina nitong Martes, May 14, dahil sa breast cancer.

Ibinahagi ni Gigi sa mga social media accounts niya ang malungkot na balita.

“Salamat sa lahat ng dasal niyo kay mama. She passed away at 9:19pm May 14, 2024,” ani Gigi.

“Mahal na mahal kita mama. Pahinga ka na,” dagdag ng singer.

Mahigit isang taon din na nakipaglaban ang ina ni Gigi na si Imelda sa stage 4 breast cancer.

Kamakailan lang ay humingi ng dasal sa publiko ang singer makaraang ipasok sa ICU ang ina.