LIMAMPUNG kilo ng asukal, ilang galon ng evaporated at condensed milk, mga palanggana ng mga minatamis at sako-sakong kinudkod na yelo sa isang higanteng mangkok.
Sa nakaraang Halo-halo Festival sa Estancia, Iloilo, ang dambuhalang halo-halo ang pinagsaluhan ng mga residente ng Brgy. Tabu-an.
Dahil sa laki ng sisidlan, pala ang nagsilbing kutsara para haluin ang halo-halo.
At sa halip na baso, pitsel at timba ang dala ng mga bisita para kumuha ng masarap na pampalamig.
Ayon sa chairman ng Brgy. Tabu-an, ito ang pinakamalaking halo-halo na ginawa sa buong probinsya.