NAG-trending sa social media ang GCash matapos magreklamo ang libo-libong users ng nasabing mobile wallet sa pagkaaberya ng operasyon nito Martes ng umaga.
Nagkaroon umano ng maintenance problem ang GCash kung kayat hindi ma-access ito ng mga users.
As of posting time, may mangilan-ngilan ang nagsabi na nabubuksan na rin nila ang kanilang account.
Marami ang ninerbyos sa pag-down ng system ng GCash bagamat tiniyak na nito na safe ang pera ng bawat account.
GCash nagkaproblema; libo-libong users kinabahan
