HINDI natitinag ang tiwala ni Sen. Sherwin Gatchalian sa girlfriend na si Bianca Manalo na isinasangkot sa isyu ng pangangaliwa ng Kapuso actor na si Rob Gomez.
Sa Instagram, shinare ng senador ang larawan ng mga picture frame na regalo sa kanya ni Sen. Sonny Angara at asawa nitong si Tootsy.
Sa mga frame ay nakalagay ang mga larawan nila ni Bianca.
“What a beautiful Christmas gift from @tootsyangara and @sonnyangara,” aniya.
“@biancamanalo and I share the same values and principles in life. No fake news will divide us apart,” giit pa ng senador.