NANINIWALA si Senador Sherwin Gatchalian na dapat bawasan ang mga subject ng mga mag-aaral sa Grade 1 hanggang 3.
Bukod dito, sinabi pa ni Gatchalian na chairman ng Senate committee on basic eduction, na dapat bigyang pokus din ang pag-aaral ng mga estudyante sa Grade 1-3 sa asignaturang English at Filipino.
Sa kasalukuyang may walong subject and mga mag-aaral sa Grade 1-3.
“It’s very difficult for teachers to teach eight subjects in a day. It’s very difficult for students to absorb three languages and study eight subjects in a day,” ayon kay Gatchalian sa panayam sa kanyang ng ANC.
“I do agree to lessen the subjects for Grades 1 to 3 and then increase the number of hours for English and Filipino,” ayon sa senador kasabay ang pagsasabi na tanging 50 minuto lamang ang ibinibigay sa mga asignaturang ito.
Anya, tig-dalawang oras ang dapat ang gugulin sa mga subject na English at Filipino.
“A student will have more time to learn English, more time to read in English, more time to learn Filipino, but the student will not lose his identity or his comprehension using the mother tongue,” dagdag pa ni Gatchalian.