MALAKING dagok na naman ang naghihintay sa mga motorista ngayong Martes dahil sa nakatakdang oil price hike na aabot mula P1 hanggang P2.80 kada litro.
Sa abiso ng mga oil companies, magtataas ang presyo ng gasolina mula P2.50 hanggang P2.80 kada litro habang P1 naman hanggang P1.30 ang itataas sa presyo ng kada litro ng diesel.
Ito na ang pinakamataas na price adjustment ngayong taon para sa gasolina at diesel.
Samantala, magtataas naman ng 40 hanggang 60 sentimo kada litro ang presyo ng kerosene.
Ayon sa Department of Energy, ang panibagong adjustment ay posibleng dulot ng pagbaba ng US crude stock sa kabila ng mataas na demand at ang sinasabing pagpapalabas ng stimulus pacakage ng Chinese central bank para sa economic recovery ng bansa.