Gasolina may P2/L kaltas sa Martes; diesel, kerosene, P0.50/L

MAY panibago na namang oil price rollback bukas, Mayo 14, 2024.

Magpapatupad ng P2 kaltas sa kada litro ng gasolina ang mga oil companies, habang tig-50 sentimo naman ang ibabawas sa kada litro ng diesel at kerosene.

Ito na ang ikatlong magkakasunod na linggo na nagpatupad ng oil price rollback ang mga kompanya ng langis.

Simula alas 12:01 ng hatinggabi uumpisahan ng Cleanfuel ang bawas presyo na susundan naman ng Shell Pilipinas at Seaoil ng alas-6 ng umaga.

Inaasahan na magsusunuran din ang iba pang mga kumpanya ng langis.