Galing-Middle East di basta-basta makakasok ng PH

IREREKOMENDA ni Health Secretary Francisco Duque III ang paghihigpit sa mga manggagaling ng Middle East makaraang madiskubre ang Covid-19 variant mula sa India sa dalawang OFW na mula sa Oman at United Arab Emirates.


“I will recommend that certainly, but I am in touch with our WHO (World Health Organization) country representative in the same manner that we have expanded our travel ban beyond India,” aniya nang tanungin sa isang panayam kung imumungkahi niya ang mas istriktong border control sa mga manggagaling sa Gitnang Silangan.


“Rest assured I will make that recommendation,” giit niya.


Kamakailan ay na-detect ang B.1.617 variant mula sa mga umuwing manggagawang Pinoy mula Oman at United Arab Emirates.


Kapwa naman gumaling na sa sakit ang mga OFWs.