MULA sa pagkapangulo noong 2022 elections, muling tatakbo si dating Vice President Leni Robredo bilang alkalde naman ng Naga City sa 2025 midterm polls.
Naghain ng kanyang kandidatura sa pagka-alkalde si Robredo nitong Sabado (Okt. 5, 2024) sa Naga City, pagtutuldok sa mga nais na siya ay tumakbo sa pagkasenador.
“I know my strengths, and I excel in executive roles. I genuinely love community work, and my skill set is better suited for the mayor’s office than the Senate,” pahayg ni Robredo sa isang press briefing.
Ang target niyang posisyon ay dating hinawakan ng kanyang yumaong mister na si dating Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo mula noong 1998.
Bago ang kanyang pagsusumite ng COC, tinungo muna ng dating Bise Presidente ang libingan ng mister.
Kasabay niya ring nag-file ng kanilang COC ang kanyang Team Naga slate.