HINDI anya siya makapaniwala na hindi nga sila magkaibigan, ayon kay Pangulong Bongbong Marcos.
Nitong Biyernes lang binasag ni Marcos ang kanyang pananahimik hinggil sa naunang pahayag ni Vice President Sara Duterte na hindi naman anya sila totoong makaibigan.
“I don’t know anymore. I’m not quite sure I understand. I’m a little dismayed that she doesn’t think that we are friends,” ani Marcos sa panayam sa kanya sa sidelines ng Association of Southeast Asian Nations (Asean) summite sa Vientiane, Laos nitong Biyernes.
“I always thought that we were. But maybe I was deceived,” dagdag pa ni Marcos.
Noong isang buwan sinabi ni Duterte na hindi niya naging kaibigan si Marcos at nagkakilala lang sila noong 2022 dahil sa eleksyon.
“Hindi kaming magkaibigan unang-una…nagkakilala lang kami dahil mag-running mates kami. Nagkausap lang kami dahil sa kampanya, dahil sa trabaho,” pahayag ni Duterte.
Sinabi rin ni Marcos na hindi niya ginawang caretaker si Duterte nang umalis siya patungong Laos dahil hindi na rin naman anya ito kabahagi ng administrasyon.
“she’s not part of the administration anymore. She’s still the Vice President, but she’s not part of the administration anymore,” ani Marcos.
“She’s still the Vice President, but she left the administration, [she’s] not part of the day-to-day running that we’re doing so it would be unfair to ask her and to impose this duty on her since it’s not part of her duty now.”