FPJ Panday Bayanihan umarangkada sa SWS survey

BUMIDA ang FPJ Panday Bayanihan sa pinakahuling survey ng Social Weather Station nang makapasok ito sa listahan ng mga nangungunang partylist groups na posibleng manalo sa darating na midterm elections sa Mayo.

Nasa ikapitong pwesto ang FPJ Panday Bayanihan na pinangungunahan ng anak ni Senador Grace Poe na si Brian Poe Llamanzares sa survey na isinagawa ng SWS noong Enero 17 hanggang 20.

Tanging ang nasabing partylist group lang na nakapasok sa top 8 ang walang incumbent representative sa kasalukuyang Kongreso.

Samantala, nangibabaw ang 4Ps partylist nang makakuha ito ng 11.8 porsyento na sinundan ng Duterte Youth (6.05 percent, ACT-CIS (5.41 percent), Senior Citizens (3.43 percent), Ako Bicol (3.27 percent), Tingog (2.75 percent), FPJ Panday Bayanihan (2.45 percent) at Kabataan (2.11 percent).

May 1,800 ang tinanong sa survey na kinomisyon ng Stratbase Consultancy.