NANGANGAILANGAN ka ba ng tulong legal? May alok ang FPJ Panday Bayanihan party-list na libreng legal assistance sa mga higit na nangangailangan nito.
Kamakailan lang ay lumagda sa kasunduan ang FPJ Panday Bayanihan party-list na pinangungunahan ng first nominee nito na si Brian Poe Llamanzares at Legal Aid Society of the Philippines (LASP) executive director Joseph Migriño para makapagbigay ng tulong legal.
Sa kasunduan na pinirmahan nitong Oktubre 24, 2024, magsasagawa ng lingguhan legal aid clinic ang LASP na iisponsoran ng FPJ Panday Bayanihan.
Nangako si Llamanzares na tutulong ang party-list sa mga kasong nakabinbin ngayon sa mga korte, partikular na ang may kaugnayan sa kasong may kinalaman sa violence against women and children.
Ayon kay Poe mahalaga ang hustisya para sa pagsulong ng isang bansa.
“Justice is the third pillar of our organization. This is just the beginning, and we hope that more groups will support the Legal Aid Society of the Philippines in their efforts to aid our fellow countrymen and women in need,” ayon kay Poe.
Sinabi naman ni Migriño na mahirap makahanap ng kapartner na nagsusulong ng social justice, at nagpapasalamat anila sila sa FPJ Panday Bayanihan dahil sa commitment nito para makatulong sa bansa.
“We always found it difficult to find partners who share our advocacy of access to justice in and on itself. Most organizations want to align to specific interest groups,” ayon kay Migriño.