FPJ movies muling mapapanood sa GMA sa 2025

MAY dapat abangan ang mga fans ni Da King sa 2025.

Dahil simula 2025, eere at muling mapapanood ang mga pelikula ni Fernando Poe Jr. sa GMA, ayon sa anak niyang si Senador Grace Poe.

“Dalawampung taon na ang lumipas mula nang namayapa siya pero patuloy na nabubuhay ang kanyang alaala sa pamamagitan ng kanyang mga pelikula,” ayon kay Grace sa isang post sa Facebook.

“Itinuring ni Da King na kapamilya at kapuso ang kanyang mga fans kaya ginalingan niya ang kanyang trabaho,” anya pa.

Pinasalamatan din ng senador ang GMA na patuloy na nagpahalaga sa alaala at sining ng ama.