SUMAKABILANG-buhay na ang dating Senador na si Rodolfo “Pong” Biazon sa edad na 88.
Ito ang kinumpirma ngayong Lunes ng kanyang pamilya.
“Thank you so much for all the prayers. It was truly worth it. Papa fought a long and exhausting battle,” ayon sa pahayag ng anak ng dating senador na si Rino Biazon sa kanyang Facebook post.
“It’s time to get rest, Papa! We love you so dearly! Thanks for bringing HONOR to the Biazon family. We are so proud of you!”
Sinabi naman ni Muntinlupa mayor Ruffy Biazon na naka-confine ang ama sa ospital simula pa noong Mayo 21 dahil sa “serious pneumonia.”
Bago ito, na-diagnose din ang dating senador ng lung cancer noong 2022.
Naupo si Biazon, na dati ring naging Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines noong panahon ni Pangulong Cory Aquino bago naging senador noong 1992.
Na-reelect siya bilang senador noong 1998 hanggang 2010.