Site icon Pinoy Publiko

Fil-Am mom kinatay sa harap ng 2 anak

Frances Kedra Lucero (Photo courtesy of GoFundMe)

PATAY ang isang Filipino-American na ina matapos siyang barilin ng kanyang partner na isa ring Pinoy sa harap ng kanilang dalawang anak sa California, USA.

Sa ulat, nasawi ang 27-anyos na biktimang si Frances Kedra Lucero, matapos siyang barilin ng kanyang partner na si Romier Narag, 27, sa harap ng kanilang mga anak na may edad 3 at 4 noong Marso 6 sa Daly City, California.

Nahaharap naman sa kasong murder at child endangerment si Narag, at kasalukuyang nakakulong sa San Matero County Jail.

Inaalam pa ng mga imbestigador ang motibo ng pamamaslang.

Exit mobile version