Fan dinaklot dibdib ni Alex

IMBES na magalit, ginawang joke ng aktres at social media star na si Alex Gonzaga ang ginawang pagdaklot sa kanyang dibdib ng isang babaeng fan sa Ormoc City.

Sa video na shinare ni Alex sa Inatagram, makikita na habang naglalakad siya sa crowd habang inaalalayan ng asawang ay biglang sumulpot ang kamay ng isang fan at nag-landing sa kaliwang bahagi ng dibdib niya.

Nagulat si Alex kaya napatingin sa nanghipo sa kanya.

“Gusto ko lang naman makamayan ang mga taga-Ormoc. Kala ni Ate asawa ko nadibdiban niya, tumili pa eh! Akin yung nilapirot mo the!” ani Alex sa caption.

Hindi naman na-offend ang aktres at ipinagtanggol pa ang fan.

Ani Alex, excited lang raw ang babae at hindi rin naman nito intensyon na mahawakan ang kanyang dibdib lalo’t may mga barikada, nagkakagulo ang mga tao at maraming bodyguards.

Paalala lang niya sa mga kapwa niya celebrity na mag-ingat kapag maraming tao.