IBINENTA ng dating “Child Wonder” na si Niño Muhlach ang isa sa mga Famas trophies niya kay Boss Toyo.
Ani Boss Toyo, siya ang lumapit kay Niño dahil isa sa mga pangarap niyang idispley sa sa kanyang museum ang Famas best child actor award nito.
“Ang hirap presyuhan ng isang Niño Muhlach– priceless e,” ani Boss Toyo.
Nasa P100,000 ang unang turing niya sa trophy, na natanggap ni Niño noong 1970s, pero iginiit ng anak ng dating child actor na ipagbibili lamang ito sa presyong P500,000.
Sey ni Niño, nagdesisyon siyang ipagbili ang isa sa lima niyang Famas trophies sa
kondisyon na aalagaan ito ni Boss Toyo.
“I decided to give it to him, pero ang deal, kailangan alagaan niya and i-restore niya and ilagay niya sa museum niya, dahil hindi ko na naalagaan. Yun ang deal namin,” ani Niño.