SINUSPINDE ng pamahalaang lokal ng Maynila ang face-to-face classes sa mga pampubliko at pribadong paaralan hanggang Biyernes, Abril 26, 2024, ayon kay Manila Mayor Honey Lacuna.
“Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan declares suspension of face-to-face classes for public and private schools in all levels for Thursday and Friday, April 25-26, 2024,” ayon sa anunsyo.
Ito anya ay bunsod ng patuloy na mataas na heat index na 44 degrees Celsius na ipinalabas ng Manila Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO).
Inatasan ni Lacuna ang mga paaralan na mag-shift sa asynchronous classes.
Nitong Martes, sinuspinde ng syudad ang pasok sa eskwela para ngayong Miyerkules dahil sa 43 degrees Celsius na heat index na pagtaya ng Pagasa.
Nitong Miyerkules ng ala-1:30 ng hapon, umabot sa 44 degree Celsius, pinakamataas ng heat index na naitala sa Maynila ngayong taon.
“Sa ganitong condition, posibleng makaranas ng heat cramps, at heat exhaustion ang taong nakabilad sa initan. Para ito ay maiwasan ay ugaliing uminom ng maraming tubig. Kung hindi maiiwasang mabilad sa araw ay ugaliin namang magpahinga at sumilong kada 30 minutes upang mabigyan ng oras ang katawan na bumaba ang temperatura (In this situation, heat cramps and heat exhaustion may be experienced by those who are exposed to the sun. To avoid this, drink plenty of water. If sun exposure cannot be avoided, try to go under the shades every 30 minutes to let the body temperature go down),” ayon naman sa MDDRMO.