ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si retired Regional Trial Court Judge Jaime Santiago bilang bagong director ng National Bureau of Investigation (NBI) kapalít ni Medardo de Lemos.
Nitong Biyernes ay nanumpa sa kanyang bagong tungkulin si Santiago kay Executive Secretary Lucas Bersamin.
Bago naging hukom sa mga korte sa Maynila at Tagaytay City, nakilala si Santiago bilang “Manila Sharpshooter” ng Special Weapons and Tactics (SWAT) Team ng dating Western Police District (WPD), na ngayon ay Manila Police District (MPD).
Dahil sa kanyang husay sa pagbaril ay ginawang pelikula – “SPO4 Santiago: Sharpshooter” – ang kanyang buhay.
Nagsilbi rin si Santiago bilang assistant city prosecutor sa Department of Justice mula 2003 hanggáng 2006.
Naging pangulo rin siya ng Metropolitan and City Judges Association of the Philippines at deputy executive vice president ng Philippine Judges Association. (GP)