Ex-GF nag-react sa kasal ni Carlo Aquino?

NANINIWALA ang mga netizens na may konek sa kasal ni Carlo Aquino ang post na blank wall ng ex-girlfriend nito na si Trina Candaza.

Nitong Linggo ay ibinahagi ni Trina sa Instagram ang photo ng isang dingding na nilakipan niya ng caption na lotus flower.

Halo-halo ang opinyon ng publiko ukol sa photo lalo at ipinost ito ni Trina sa mismong araw ng kasal nina Carlo at Charlie Dizon.

May isang anak sina Trina at Carlo, ang tatlong-taong-gulang na si Enola Mithi.

Haka-haka ng netizens:

“Maybe she‘s hurting as a mom. Feeling sorry for her daughter, that she can’t have a complete family.”

“Soar High Trina! The future is still unwritten. Wishing you and your beautiful daughter and amazing life.”

“Pink Lotus. Enlightenment. Blank wall. Obstacle. Nagising na siya sa obstacle na kinaharap niya.”

“Sakit siguro makita ang pogi pa naman ni Carlo nung wedding day.”

“Baka gusto nya lang pinturahan baka trip nya lang walang connect don sa kinasal.”