ARESTADO ang dating opisyal ng Department of Budget and Management na si Lloyd Christopher Lao na dawit sa Pharmaly procurement scandal noong kasagsagan ng Covid-19 pandemic.
Inaresto si Lao ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group ng Philippine National Police nitong Miyerkules base sa arrest warrant na inisyu ng Sandiganbayan na may petsang Sept. 12, 2024.
Si Lao ang ikalawang mataas na opisyal ng administrasyong Duterte na inasunto ng graft sa Ombudsman dahil sa maanomalyang transaksyon sa Pharmally kaugnay sa pagbili ng P41 bilyong medical supplies, kabilang ang personal protective equipment, Covid-19 detection kits, nucleic acid extraction machine, mechanical ventilator, surgical masks, cadaver bags at iba pa.
Una nang inasunto ay si dating Health Secretary Franciso Duque III.
Matapos madetine sandali ay naglagak ng piyansa si Lao na nagkakahalaga ng P90,000.