Ex-cop arestado sa pagkawala ng beauty queen ng Batangas

INARESTO ng pulisya ang isang dating pulis at kanyang driver-bodyguard na itinuturong may kinalaman sa pagkawala ng beauty contestant na si Catherine Camilon noong isang taon.

Nadakip si dating Maj. Allan de Castro at jeffrey Magpantay sa barangay Caloocan, bayan ng Balayan sa Batangas nitong Sabado, ayon kayPolice Regional Office 4A spokesperson Lt. Col. Chitadel Gaoiran nitong Huwebes.

Inaresto ang dalawa base na rin sa inilabas na warrant of arrest laban kay de Castro at Magpantay na inisyu ng Batangas City Regional Trial Court Branch 3 nitong Setyembre 4 dahil sa kasong kidnapping at serious illegal detention. Walang bail na inirekomenda ang korte sa dalawa.

Itinuturo sina de Castro at Magpantay na siyang nasa likod ng pagkawala ng 26-anyos na si Camilon, isang kandidata ng Miss Grand Philippines 2023.

Iniulat na nawawala si Camilon ng kanyang ina at kapatid matapos itong umalis ng bahay mula sa bayan Tuy patungong Batangas City noong Oktubre 12, 2023.

Huling nakita ang teacher-model at Miss Batangas sa isang shopping mall sa Lemery sa nasabi ring probinsiya alas-7 ng gabi noong Okt. 12.

Nauna na ring inamin ni De Castro na may romantic relationship kay Camilon.