HINDI sa sampal ang dahilan ng pagkamatay ng 14-anyos na estudyante kundi dahil sa “rare” na kondisyon nito dahilan para mamaga at pumutok ang kanyang utak.
Ito anya ang resulta ng otopsiya ng ginawa sa batang si Francis Jay Gumikib na namatay ilang araw matapos masampal ng kanyang guro, ayon kay Lt. Col. Ryan Manongdo ng Antipolo City Police na siyang may hawak ng kaso.
Dahil dito, tanging kasong physical injury in relation to child abuse ang isasampa laban sa guro ni Gumikib.
“The [medicolegal officers of the PNP Forensic Group] explained to us the result of the autopsy and it stated that a rare condition was the cause of death,” ayon sa pulis.
Sa opisyal na pahayag ni PNP Forensic Group Director Brigadier General Constancio Chinayog Jr., tinutukoy sa autopsy at histopathological exam results na ang ikinasawi ng estudyante ay dahil sa intracerebral hemorrhage and edema.