Estudyante nagkitil dahil sa mababang grade sa TLE

NAGPATIWAKAL ang 16-anyos na estudyante sa Maasin, Iloilo makaraang makatanggap ng mga gradong 64, 69 at 66 sa subject na Technology and Livelihood Education (TLE).

Ayon sa pulisya, natagpuan ang walang-buhay na katawan ng biktima na nakabitin sa puno malapit sa kanilang bahay.

Nag-iwan ng sulat ang bata sa kanyang ina kung saan humihingi ito ng tawad sa kanyang ginawa.

“Ma indi don ako magskwela kay indi don ako ka agent kay ma’am, subra project na indi ko kasarang ma sorry gid,” ayon sa mag-aaral.

Napag-alaman na nalungkot ang bata dahil tiyak na babalik siya sa Grade 10 bunsod sa mga nakuhang grado na 64 sa first quarter, 69 sa second quarter, at 66 sa third quarter sa subject na TLE.

Sinabi ng ina na hindi nakakapag-participate ang bata sa pagluluto dahil wala silang pera na pambili ng mga sangkap.