‘English-only’ rule sa Pamantasan ng Cabuyao sa Laguna pinagpiyestahan

Mainit ang naging diskusyon ng netizens sa bagong polisiya na ipinaiiral ngayon ng Pamantasan ng Cabuyao sa Laguna.

Sa ipinalabas na mandato ng paaralan, tanging English lamang ang dapat gamitin sa lahat na klase, transaksyon at maging interaksyon ng mga mag-aaral, guro at non-teaching staff ng unibersidad.

Ayon sa unibersidad, ang polisiya ay para isulong ang academic excelence at global competitiveness ng bawat mag-aaral.

“In line with our vision of developing globally competitive and world-class students, the Pamantasan ng Cabuyao (University of Cabuyao) is now an English-speaking campus starting February 3, 2025,” ayon sa kalatas na nakapost din sa social media.

“This policy applies to students, faculty, staff, and all university personnel to cultivate a strong English-speaking environment,” dagdag pa nito.

Hindi naman ito ikinatuwa ng maraming netizens. Narito ang ilan sa mga pahayag at debate.

Kasalukuyang viral na ang post ng unibersidad.

Narito ang ilang mga post: