Engineering student sinunog, ibinalagbag sa kalye

WALA nang buhay ang isang Engineering student nang matagpuan sa gilid ng kalsada sa Brgy. Quirino, Bacnotan, La Union noong Martes.

Ayon sa pulisya, sinunog ang katawan ng 21-anyos na biktima, mag-aaral ng University of Cordillera (UC) sa Baguio City at residente ng Brgy. Alipangpang, Pozorrubio, Pangasinan.

Naispatan ng isang driver ang bangkay kaya humingi ito ng tulong sa mga otoridad.

Inaalam pa ng pulisya ang mga nasa likod at ang motibo ng pagpatay. Humihingi naman ng hustisya ang mga magulang ng biktima.