MAY pasok sa Lunes, Enero 27, 2025.
‘Yan ang sabi ng Malacanang ngayong Linggo kasabay ang paglilinaw na hindi national holiday ang Jan. 27 kundi isang Muslim holiday bilang paggunita sa Isra Wal Miraj, o ang the Night Journey and Ascension of the Prophet Muhammad.
Sa isang pahayag, sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin na cover lamang ng holiday ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao and “other Muslim areas defined in the Muslim Code.”
Gayunman, dinagdag nito na ang mga Muslim na nagtatrabaho kung saan hindi recognized ang holiday, gaya dito sa Metro Manila, maaaring ma-excuse sa trabaho ang mga ito.
Ang Al Isra Wal Mi’raj ay isa sa mga dinadakilang araw sa Islam. Ito ay sumisimbolo ng milagrosong paglalakbay sa kalangitan ng Propetang si Muhammad.