‘Emergency’ sagot na rin ng PhilHealth

SAGOT na rin ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) ang mga emergency proceudres at iba pang serbisyo sa mga pasyente na hindi kinakailangang ma-confine sa ospital.

Sa ilalim ng “Outpatient Emergency Care Benefit (OECB)” package, na opisyal na naging epektibo simula Enero 1 sa pamamagitan ng PhilHealth Circular No. 2024-0033, pasok ang lahat ng outpatient services at commodities sa emergency department (ED) at accredited health care facilities, kabilang na ang serbisyo na ibibigay sa pasyente bago pa idating sa ED o ambulance services.

Cover ng package ang mga pasyente na hindi kinakailangang ma-confine o nanatili lamang sa ED sa loob ng 24 na oras.

Kabilang sa mga kasong cover ng packae na ito ay ang dizziness, diarrhea, persistent vomiting, elevated blood pressure, nontraumatic bleeding, seizures, severe headache and sexual assault.

Pasok din sa essential emergency care services ang diagnostic (electrocardiogram), ED services (nebulization, intubation), imaging (X-ray, CT scan), laboratory (blood tests) and medicines.