“WEAK” El Niño na ang kasalukuyang nararanasan sa bansa at maaaring matapos ito sa susunod na buwan, ayon sa Pagasa weather bureau.
“Nasa weak El Niño na po tayo at ine-expect natin na maaaring by June ay matapos na itong panahon ng El Niño,” ani Pagasa weather specialist Benison Estareja.
“Yng ating temperatures ay magiging normal o neutral na ulit,” paliwanag ni Estajera.
Gayunman, sinabi niya na magtatagal pa ang epekto ng El Niño dahil sa “lag effect.”
“Ibig sabihin, magkakaroon ng konting delay doon sa epekto ng El Niño. Maaaring magtagal pa rin ‘yung medyo kulang na ulan hanggang sa susunod na buwan,” sambit ni Estajera
Inihayag naman ng weather specialist na posibleng magkaroon ng isa o dalawang bagyo sa ikatlo o ikaapat na linggo ng Mayo.