Site icon Pinoy Publiko

EDSA Busway mahalaga sa commuter, di dapat tanggalin

TUTOL ang bagong kalihim ng Department of Transportation sa panukala ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na tanggalin na ang EDSA Busway.

Akay Transportation Secretary Vince Dizon, kailangan ng commuter ang busway at hindi ito dapat tanggalin dahil nakitang epektibo ito.

“We need the EDSA Busway. Kasi kailangan natin iyan and it worked eh,” ayon kay Dizon sa isinagawang press conference sa Palasyo nitong Biyernes.

Ganito ang naging tugon ni Dizon sa naunang pahayag ni MMDA acting chair Don Artes na kinokonsidera ang pagtanggal sa busway dahil sa isinasagawang pagpapalawak sa kapasidad ng MRT-3. Ito rin anya ang nakikita nilang solusyon para maibsan ang problema ng trapiko sa EDSA.

Nangako naman ang opisyal na makikipagtulungan sa MMDA upang mapahusay ang sistema sa trapiko.

Exit mobile version