NANINIWALA si dating Senador Franklin Drilon na dapat isapubliko ang nangyaring pakikipag-usap ni dating Pangulong Duterte kay Chinese President Xi Jinping sa China kamakailan.
“I think it is important that former President Duterte make public the discussion and the issues that they discussed during the meeting,” sabi ni Drilon.
Bumisita si Duterte sa China kamakailan kung saan nakaharap niya si Xi. Hindi umano alam ng embahada ng Pilipinas sa China ang naging pulong ng dalawang lider.
Sinabi naman ni Pangulong Bongbong Marcos na wala umanong problema kung nakipagpulong man si Duterte kay Xi.
“Out of respect and courtesy to the sitting president, I call on former President Duterte to either disclose or, at the very least, provide a briefing to President Marcos or Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo,” dagdag ni Drilon.