Site icon Pinoy Publiko

Duterte sa supporters: ‘Wag mag-alala, darating din ang araw ng pagtutuos

PINAYAPA ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang mga tagasuporta sa pamamagitan ng kanyang anak na si Vice President Sara Duterte.

Tiniyak ni Sara sa mga tagasuporta ng ama na lahat anya ay magiging maayos at darating din ang araw ng pagtutuos.

“Relax lang, sabi niya. Matatapos din ito at darating ang araw ng pagtutuos,” pahayag anya ng kanyang ama nang dalawin niya ito sa detensyon sa Tha Hague nitong Biyernes.

Gaya pa rin ng dati, kalmado pa rin ang ama at mukhang nakapagpahinga rin umano ito nang maayos.

Sabi pa umano ng dating pangulo, mas may oras na siyang matulog at makapanood ng telebisyon ngayon.

Sa kabila nito, ibinilin anya ng ama na sabihin sa mga Pilipino na kailanman ay hindi siya sumusuko sa mga dayuhan at hindi nagsuko ng Pinoy sa mga taga-ibang bansa.

“He wanted all of you to remember that in all those years that he was in public service, he never surrendered our country, especially to foreign powers,” dagdag pa ni Sara.

Muling dadalaw ang bise presidente sa ama sa Marso 23, para pag-usapan ang nalalapit na ika-80 kaarawan ng dating pangulo sa Marso 28.

Exit mobile version