Site icon Pinoy Publiko

Duterte ililipad na via learjet patungong Dubai, The Netherland

IPINALIWANAG ni CIDG chief, Maj. General Nicolas Torre na ililipad na si dating Pangulong Duterte via chartered plane mula sa Villamor Airbase.

Bagamat hindi idinetalye ni Torre kung saan dadalhin ang dating pangulo, sinabi nito na may choice si Duterte ng magsama ng tatlong tao.

Ayon sa mga report, isang learjet umano ang inihahanda na siyang magdadala kay Duterte sa Dubai saka ito dadalhin sa The Hague, The Netherlands kung saan naroroon ang tanggapan ng International Criminal Court na siyang nag-isyu ng arrest warrant laban sa dating pangulo.

Sa video post ng anak ni Duterte na si Kitty, ipinakita nito ang ginawang pagpapaliwanag ni Torre sa dating pangulo at kanyang mga kasama ang planong paglilipat sa kanya.

Maririnig din sa video ang pagmumura ng isang babae habang nagpapaliwanag si Torre.

Exit mobile version